10K survivors kukupkupin ng Albay
MANILA, Philippines - Kukupkupin pansamantala ng Albay ang mga 2,000 pamilya mula sa Leyte at Samar na sinalanta ni super typhoon Yolanda. Sila’y patitirahin muna sa bagong yaring mga evacuation centers ng lalawigan na pinondohan ng Japanese International Cooperation Agency o JICA.
Ayon kay Albay Gov. Joey Salceda, maaring lumampas pa sa 2,000 pamilya o 10,000 katao ang bilang ng mga mapupunta sa kanilang lalawigan dahil pasisimulan din nila agad ang isang foster family program na tatawaging “Albay Hero-Hiro.†Hero o bayani ang turing dito sa mga taong tumutulong sa mga biktima ni Yolanda.
Ang mga biktima ni Yolanda ay tinatawag na ngayong Internally Displaced Persons (IDPs). Sila ay mga taong nawalan ng mga bahay at napilitang umalis sa kanilang bayan dahil sa mga kalamidad. Sa ngayon, 52 IDPs mula sa Leyte ang narito na sa Albay matapos silang mailigtas. Nasa pangangalaga sila ng DSWD.
Inihahanda na ngaÂyon ng Albay Public Safety and Emergency Management Office (Apsemo) ang mga bagong evacuation centers sa Legazpi City at sa mga bayan ng Polangui, Libon, Oas, Santo Domingo at Manito para sa mga IDPs. Ang mga centers ay may kuryenÂte, mainit at malamig na tubig, hiwalay na palikurang panlalaki at pambabae, kusinang lutuan at pamatay sunog.
Ang mga biktima, ayon kay Salceda, ay bibigyan din ng livelihood o mapagkakakitaan ng kinauukulang mga ahensiya para mapabilis ang kanilang pagbangon.
- Latest