MANILA, Philippines - Umabot na ngayon sa P9.089 bilyon ang halaga ng pinsala ng bagyong Yolanda sa sektor ng agrikultura.
Sinabi ni Agriculture Sec. Proceso Alcala, ang palay ang may pinakamalaking pinsala ng naturang bagyo na sinundan ng palaisdaan at pagniniyog.
Ayon kay Alcala, nakahanda na ang mga ipapamahaging butil at mais para itanim ng mga apektadong magsasaka, gayundin ang mga ipapamahaging bangka na may motor para sa mga mangingisda.
Kasabay nito, inamin naman ni Alcala na malaÂking dagok o epekto ito target na rice sufficiency dahil nataong anihan ang bagyong Yolanda.
Malaking pinsala rin daw ang naitala sa mga palayan sa Central Luzon nang manalasa ang bagyong Santi.