^

Bansa

Sokor nagdagdag ng relief team sa Pinas

Ellen Fernando - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagdagdag ng humanitatian assistance ang South Korea para sa mga biktima ng bagyong Yolanda.

Ayon sa report ng Embahada ng Pilipinas sa Seoul sa Department of Foreign Affairs (DFA), nagpadala kahapon ang Korea sa Pilipinas ng kanilang disaster relief team na binubuo ng 20 medical personnel, 14 paramedics, apat na staff members ng Korea International Cooperation Agency (KOICA) at dalawang opisyal ng Ministry of Foreign Affairs (MOFA) lulan ng isang military aircraft.

Nauna rito, naglaan ang South Korea ng US$5 milyon o P215 milyon bilang “comprehensive assistance” para sa mga survivors at biktima ng super typhoon Yolanda matapos ang ginawang private-public meeting sa emergency relief operations overseas.

“The Philippines is a close ally of South Korea which took part in the Korean War, a home country of mothers of many multicultural families here and a valuable partner for shared growth,” ayon kay Second Vice Foreign Minister Cho Tae-yul.

Nabatid na naglagay na ang MOFA ng emergency response headquarters sa Cebu upang mapabilis ang pagbibigay nila ng tulong sa mga biktima ng bagyo.

AYON

CEBU

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

KOREA INTERNATIONAL COOPERATION AGENCY

KOREAN WAR

MINISTRY OF FOREIGN AFFAIRS

PILIPINAS

SECOND VICE FOREIGN MINISTER CHO TAE

SOUTH KOREA

YOLANDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with