MANILA, Philippines - Nagbabala kagabi si Pangulong Aquino sa publiko na mag-ingat at lumikas na sa mas ligtas na lugar dahil sa lakas ng bagyong Yolanda na nakapasok na sa Philippine Area of Responsibility (PAR).
“Sa kasalukuyang datos, mukha pong mas maÂtindi ang hagupit ni Yolanda kaysa kay Pablo; nagdarasal na lang nga po tayo na dahil sa tulin ng takbo nito, ay hindi na siya pumirmi sa ating mga lalawigan upang gumawa ng mas marami pang pinsala. Nasa 600 kilometro po ang diameter ng bagyong ito,†wika ng Pangulo sa pamamagitan ng nationwide broadcast nito mula sa Malacañang.
Inaasahan umanong tatama si Yolanda sa mga probinsya ng Samar at Leyte; babagtasin nito ang mga probinsya ng Masbate, Cebu, Panay, Romblon, Mindoro, at Palawan, bago tuluyang lumabas sa Philippine Area of ResÂponsibility sa Sabado ng gabi. Bukod sa inaasahang bugso ng hangin, ulan, pag-apaw ng mga ilog, pati ang posibilidad ng pagdagsa ng lahar sa mga pook malapit sa bulkan ng Mayon at Bulusan, mino-monitor na rin ang banta ng mga storm surge sa mahigit 100 mga pook.
Matindi umano ang paÂnganib ng storm surge sa Ormoc, Ginayangan Ragay Gulf sa Albay, at Lamon Bay sa Atimonan. Maaaring umabot ng lima hanggang anim na metro ang taas ng alon sa mga lugar na ito, dagdag pa ng Pangulo.
Aniya, nakahanda na ang tatlong C130 na rumesponde sa mga paÂngangailangan at nakaantabay din ang 32 eroplano at helicopter ng Air Force bukod sa nakaposisyon na ang 20 barko mula sa Philippine Navy sa Cebu, Bicol, Cavite, at Zamboanga.