^

Bansa

Saudi may bagong rules sa illegal OFWs

Ellen Fernando - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - May bagong panuntunan ang Saudi government kasabay ng isinasagawang crackdown laban sa mga illegal foreign workers kabilang na ang libu-libong undocumented overseas Filipino workers.

Sa report ng Embahada ng Pilipinas sa Riyadh sa Department of Foreign Affairs (DFA), nakasaad sa ipinadalang diplomatic note ng Saudi government ang kanilang bagong rules laban sa mga dayuhang manggagawa na lumalabag sa kanilang labor at residency laws kasunod ng pagtatapos ng Nov. 3 correction period para sa mga illegal foreign workers.

Sa bagong rules, ang mga foreign workers sa Saudi kabilang ang mga OFWs na nagtatrabaho ng ilegal para sa kanilang pansariling kapakanan, tumakas sa kanilang employer at overstayers ay aarestuhin, papanagutin at ipade-deport.

Ang employer ang magbabayad ng deportation ng illegal worker maliban lamang kung ang dayuhang manggagawa ay nagtatrabaho ng para sa sarili ay siyang magbabayad ng sarili nitong deportasyon.

Nahaharap din sa pag­huli ang illegal OFWs na nagtatrabaho makaraang tumakas sa amo at sa mga nang-aarbor, o kanilang kasabwat sa pagtakas sa amo.

Ang illegal workers na hindi kayang magbayad ng travel ticket ay made-deport at gagastusan ng Saudi government.

Ipapatapon din palabas ng Saudi ang mga OFWs na overstaying na gagastusan ng kanilang employer at kung nagtatrabaho para sa sarili, ang kumpanya o tao na nag-sponsor sa kanya sa pagbisita sa Saudi ang magbabayad ng deportasyon nito.

Ang lahat ng mga OFWs at iba pang illegal foreign workers na ma­dedeport ay ban o ipinagbabawal nang pumasok sa Saudi.

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

EMBAHADA

ILLEGAL

IPAPATAPON

KANILANG

NAHAHARAP

PILIPINAS

SAUDI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with