COMELEC kulang sa ‘political education program’

MANILA, Philippines - Kulang umano sa ‘political education program” ang Commission on Elections (COMELEC), ito ang puna ng poll watchdog group na Kontra Daya.

Ayon kay Kontra Daya at Solidarity Philippine convenor Fr. Joe Dizon, hanggang sa kasalukuyan ay kulang, hindi naipaunawa at hindi naiparating sa taongbayan ang political education program ng gobyerno maging ng iba’t-ibang election watchdog.

Sinabi ni Dizon, hindi pa rin nauunawaan ng taongbayan ang kahalagahan ng governance na nagsisimula sa bawat barangay sa Pilipinas na itinuturing na basic unit ng pamilya at father of all government.

Aniya, ang barangay election ang pinakamahalagang proseso sa bansa na naging modelo ng iba pang halalan sa mga posisyong nasyunal.

Iginiit ni Fr. Dizon na ang mga barangay officials ay dapat maging modelo ng mabuting pamumuno ng ating mga ninuno.

Kumbinsido si Fr. Dizon na nagsisimula ng mag­hanap ng pagbabago ang mga mamamayan.

 

Show comments