Ruling ng SC di kikilalanin ni Reyes

MANILA, Philippines - Nanindigan si Marinduque Congresswoman Regina Reyes sa isang pahayag na hindi niya kikila­lanin ang desisyon ng Korte Suprema na nagdidiskwa­lipika sa kanya sa puwesto.

Sinabi ni Reyes na inaasahan na nila ang desisyon ng Korte Suprema lalo na’t ang ama ng kaniyang katunggali na si Lord Allan Velasco ay isa sa senior justices ng Kataas-taasang Hukuman.

Ayon pa sa kanya, ang House of Representatives Electoral Tribunal o HRET na ang may hurisdiksyon sa kaniyang kaso at doon nila idedepensa ang kaniyang kaso.

Kumpiyansa si Reyes na sa HRET ay mabibigyan sila ng sapat na pagkakataong idepensa ang kanilang kaso.

Sa ngayon, mas tututok sila sa mga positibong bagay at hindi sa negatibo, tulad ng pagsulat ng mga resolusyon na makakatulong sa tao at sa bansa.

Wala pa naman sa pla­no pa si Reyes na magsampa ng impeachment complaint laban kay Justice Velasco.

Ipinaliwanag ng mam­babatas na mi­­yembro sya ng House Committee on Justice na siyang dumidinig sa mga impeachment complaint.

Si Reyes ay lamang ng halos 4,000 boto mula sa katunggaling si Lord Allan Velasco.

Naunan ng iginigiit ni Reyes na walang basehan ang petisyon laban sa kaniya dahil ang pinagbatayan lamang ay isang blog sa internet ng isang hindi kilalang blogger; at isang xerox copy mula sa Bureau of Immigration.

Show comments