MANILA, Philippines - Ang Palawan at MinÂdanao ay magkakaroon ng maulap na papawirin na may mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan at pagkidlat-pagkulog. Ang mga rehiyon ng Ilocos, Cordillera at Cagayan Valley ay makararanas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may pulu-pulong mahinang pag-ulan. Ang Metro Manila at ang nalalabing bahagi ng bansa ay magiging bahagyang maulap hanggang sa maulap na may pulu-pulong pag-ulan o pagkidlat-pagkulog lalo na sa dakong hapon o gabi. Katamtaman hanggang sa malakas na hangin mula sa hilagang-silangan hanggang hilagang-kanluran ang iiral sa Luzon at ang mga baybaying dagat nito ay magiging katamtaman hanggang sa maalon. Sa ibang dako, ang hangin ay magiging mahina hanggang sa katamtaman mula sa hilagang-kanluran hanggang kanluran na may banayad hanggang sa katamtamang pag-alon ng karagatan. Ang araw ay sisikat 5:50 ng umaga at lulubog 5:30 ng gabi