MANILA, Philippines - Apat na araw bago ang barangay elections sa Lunes, tumaas ang insidente ng Election Related Violence (ERVis) sa bansa.
Sinabi ni P/Sr. Supt Wilben Mayor, spokesperson ni PNP Chief Director General Alan Purisima, kumpara sa 25 insidente ng ERVIs noong bgy. elections noong Oktubre 25, 2010 ay bahagya itong tumaas sa kasalukuyan na nasa 30 na ang bilang.
Ang naitalang 30 karahasan ay simula Setyembre 28 hanggang Oktubre 24 lamang.
Handa naman ang PNP na bantayan ang nasa 36,768 polling centers sa buong bansa.
Nakahanda rin ang nasa 1,724 pulis para magsilbing Special Board of Election Tellers sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) partikular na sa Maguindanao na tumatanggi ang mga guro na gampanan ang kanilang tungkulin sa eleksyon.
Una nang sumailalim sa pagsasanay ng CoÂmelec ang nasabing mga pulis na magsisilbing Board of Election Tellers.