MANILA, Philippines - Maglalaan ng P1 bilyong pondo mula sa General Appropriations Act (GAA) sa 2014 sa sandaling maisabatas ang panukala na naglalayong magbigay ng pinansiyal na tulong sa mahihirap na mag-aaral sa kolehiyo.
Bagama’t mayroon na tayong mga umiiral na scholarship programs para sa ating specially gifted students, study grant para sa mga kasapi ng National Cultural Communities at Commision on Higher Education (CHED) scholarship program, iginiit ni Senator Cynthia A. Villar na limitado lamang ang slot na ibinibigay ng mga ito.
Sa kanyang SBN 298, o ang tinatawag na “An Act Establishing A Student Financial Assistance Program For Students of Economically Disadvantaged Families and AuthoriÂzing The Appropriation Of Funds For The Purpose,†binanggit ni Villar ang kawalan ng isang “ambitious government program†na mangangalaga sa mas nakararaming graduate ng high school.
Pangunahing target ni Villar sa inihaing panukalang batas ang mga nagsipagtapos ng high school na nagnanais ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral subalit walang kakayahan dahil sa kahirapan.
Sinabi ni Villar na ang educational assistance program ay nakalaan sa mga mag-aaral mula sa financially disadvantaged families.
Nilinaw niya na ito ay isang economic aid sa halip na merit award.
Base sa Section 1 of SBN 298, magkakaroon ng student financial assisÂtance program sa kolehiyo para sa mahihirap pero karapat-dapat na mag-aaral na pangungunahan ng appropriate body na itatalaga ng CHED.
Ang terminong “economically disadvantaged but deserving students†na kuwalipikado sa programang ito ay nangangahulugan na ang mga mag-aaral ng underprivileged families base sa talaan ng National Economic and Development Authority (NEDA).
Ang beneficiaries sa ilalim ng programang ito ay tatanggap ng buwanang allowance depende sa gastusin sa isang particular na institusyon, libreng tuition, book allowance at iba pang miscellaneous fees.
Sa panukalang batas na ito, binanggit ni Villar 1987 Constitution ng Pilipinas na nagsasaad na dapat na magtayo ang estado na sistema ng schoÂlarship grants, student loan programs, subsidize at iba pang insentibo na kailangang papanatilihin.