^

Bansa

P1B na pinsala ng lindol, 194 death toll

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Umaabot na sa halos P1 bilyon ang pinsala ng 7.2 lindol na tumama sa Central Visayas habang tumaas na rin sa 194 ang death toll.

Ayon kay National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC)  Executive Director Undersecretary Eduardo del Rosario, kabilang sa mga naitalang nasawi ay 181 mula sa Bohol, 12 sa Cebu at isa naman sa Siquijor.

Tumaas naman sa 605 ang mga nasugatan habang 11 na lamang ang nawawala mula sa Loon, Sagbayan, Inabanga, Balilihan at Clarin na pawang sa Bohol.

Kabilang naman sa 605 nasugatan ay nasa 511 sa Bohol, 89 sa Cebu at tatlo sa Siquijor at tig-isa sa Negros Oriental at Iloilo.

Ang 7.2 lindol na tumama sa Central Visayas noong Oktubre 15 ay nakaapekto sa 588 ,564 pamil­ya o 2,945,963 katao sa may 1,282 barangay sa 52 munisipalidad, anim na siyudad sa anim na lalawigan sa Region VI at Region VII.

Kabilang sa mga napinsala ay mga tulay, kalsada at pasilidad ng flood control sa Bohol, Cebu, Negros Oriental at Siquijor na naitala sa P902,730M.

Alas-5 ng umaga kahapon ay nakapagtala na ang Phivolcs ng kabuuang 2,384 aftershocks 57 dito ay naramdaman ng mga residente sa lugar.

vuukle comment

AYON

BOHOL

CEBU

CENTRAL VISAYAS

EXECUTIVE DIRECTOR UNDERSECRETARY EDUARDO

KABILANG

NATIONAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT COUNCIL

NEGROS ORIENTAL

SIQUIJOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with