Bagyong Urduja bumilis

MANILA, Philippines - Bumilis ang isa pang bagyo na binabantayan ng PAGASA at posibleng pumasok sa Philippine area of responsibility (PAR) bukas,  Oktubre 21.

Ayon kay Jori Loiz, weather forecaster, bagamat nasa labas pa ng PAR ang bagyong Urduja sigurado na ang pagpasok nito sa bansa sa Lunes ng umaga. 

Sabi ni Loiz, nasa dagat Pasipiko pa si Urduja at maaaring dumaan lamang sa bansa sa sandaling makapasok ito.

Ang nararanasan pag-ulan sa ilang bahagi ng Metro Manila at ilang lalawigan ng Luzon ay bunga anya ng hanging Amihan at hindi ha­nging habagat.

Sa sandaling pumasok ng PAR ang bagyo hindi ito magdadala ng pag-ulan dahil halos nasa itaas ito ng kaulapan.

Gayunman pinaaalahanan ng PAGASA ang publiko na magdala ng payong o pananggalang sa ulan dahil sa pabugso bugsong pagbuhos ng ulan o kaya ng jacket bilang proteksyon dahil sa malamig na simoy ng hangin.

 

Show comments