Tangkang pag-aresto sa mediamen inalmahan
MANILA, Philippines - Nilabag ng mga pulis na nakatalaga sa Manila Action and Special Assignment (MASA) ang protocol hinggil sa pag-aresto sa miyembro ng media, nang diretso silang pumasok sa National Press Club grounds upang ihain ang warrant of arrest laban sa tatlong miyembro nito sa Intramuros, Maynila kahapon.
Kinilala ang mga kagawad ng MASA na sina Insp. Manuel Laderas, operations chief at mga tauhan na sina SPO1 Nicanor Zablan at PO3 Salvador Chavez na naghain ng warrant of arrest laban kina Alab ng Mamamahayag (ALAM) national chairman Jerry Yap, columnist; Gloria Galuno, managing editor; at Edwin Alcala, circulation manager, pawang ng pahayagang HATAW.
Pumasok sa NPC grounds sina Laderas, Zablan at Chavez dakong 4:00 ng hapon at direktang hinanap ang tanggapan ni Yap dahil mayroon umano silang ihahaing warrant of arrest.
Nang matukoy nina Laderas ang tanggapan ng ALAM agad silang pumasok at muli nilang hinanap si Yap, pero sinalubong sila ni Alcala.
Ipinakita ni Laderas ang warrant of arrest kay Alcala, pero ipinaliwanag ng huli sa mga pulis na labag sa umiiral na protocol at memorandum of agreement (MOA) ng NPC, PNP at DILG ang direktang pag-aresto sa mga kagawad ng media.
Sa ilalim ng nasabing MOA, walang sino man na miyembro ng media ang maaaring arestuhin o halughugin ang tanggapan o tahanan nang walang pakikipag-ugnayan sa NPC lalo’t ang kaso ay may kaugnayan sa kanyang pagganap ng tungkulin bilang mamamahayag gaya ng asuntong libel.
Ang warrant of arrest na inihain nina Laderas laban kina Yap, Galuno at Alcala ay kaugnay ng kasong libel na inihain ni MPD ANCAR head, Chief Insp. Rosalino Ibay na kasasampa pa lamang sa sala ni Manila RTC Branch 16 Judge Janice R. Yulo-Antero.
Ayon kay Yap, hindi maganda ang timing ng paghahain nina Laderas ng nasabing warrant of arrest lalo’t kilala na sila’y mga pulis na direktang nakapailalim sa tanggapan ng Manila Vice Mayor’s Office.
Ayon kay Yap, “pinupuna ko sa aking kolum na Bulabugin ang pagkakaugnay kay Vice Mayor Isko ng isang Madam Arlene, isang decision broker sa hudikatura na kasalukuÂyang iniimbestigahan ng Supreme Court.â€
Naniniwala umano si Yap na ang paghahain ng aresto nina Laderas ay may kaugnayan dito at malaki ang intensiyon ng pangha-harass.
Hindi man nagtagumÂpay sina Laderas na dakpin sina Yap, Galuno at Alcala, malinaw na nilabag nila ang protocol sa ilalim ng MOA ng NPC, PNP at DILG.
- Latest