MANILA, Philippines - Dahil sa patuloy na pagbatikos laban sa Disbursement Acceleration Program (DAP), isa na namang petisyon ang inihain sa Korte Suprema.
Kahapon ay personal na nagtungo sa Supreme Court (SC) si Bayan Muna Secretary General Renato Reyes kasama sina Gabriela Rep. Luzviminda Ilagan at Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate para humirit ng temporary restraining order (TRO) upang mahinto ang DAP, gayundin ang Department of Budget and Management (DBM) Circular No. 541 na nagpapatupad nito.
Giit ni Reyes, labag sa Konstitusyon ang DAP at DBM circular dahil tanging ang Kongreso ang may kapangyarihan na aprubahan ang paglalaanan ng pondo.
Ang DBM circular naman ayon kay Ilagan ay maituturing na kahina-hinala dahil hindi pa naman tapos ang taon para masabing may natipid na ang pamahalaan.
Ito na ang ika-anim na petisyon kontra DAP at umaasa ang grupo na makakasama ito sa mga tataÂlakayin sa en banc ngayong araw.