^

Bansa

Calamity funds sa 2013 dagdagan - Senado

Malou Escudero/Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinadadagdagan ng Senado ang pondo para sa kalamidad ngayong 2013 sa gitna na rin ng sunod-sunod na kalamidad at trahedyang nararanasan sa bansa.

Ayon kay Sen. Francis “Chiz”  Escudero,  chairman ng Senate committee on finance, napagkasunduan na ng buong Senado ang pagpapatibay ng kaukulang resolus­yon hinggil sa dagdag na pondo bago magsara ang kanilang sesyon sa susunod na Miyerkules para sa tatlong linggong recess o bakasyon.

Ang pondo ay ilalaan sa mga sinalanta ng malakas na lindol sa Central Visayas at para rin sa mga hinagupit ng bagyong Santi sa Central Luzon.

Kailangan din uma­nong pagkalooban ng dagdag na pondo ang Zamboanga City na napinsala rin dahil sa ilang linggong stand-off doon matapos lumusob ang mga rebeldeng Moro National Liberation Front bukod pa sa baha na naranasan ng lungsod.

Aalamin na lang ng Senado ay kung magkano pa ang natitira sa P7.5 bil­yon calamity fund at quick response fund na nasa Department of Budget and Management.

Samantala para maka­tulong sa mga naapektuhan ng tatlong magkakasunod na kalamidad, ibibigay ng Senado sa DSWD ang savings nito na ngayon ay nasa P6 milyon.

AALAMIN

AYON

CENTRAL LUZON

CENTRAL VISAYAS

CHIZ

DEPARTMENT OF BUDGET AND MANAGEMENT

MORO NATIONAL LIBERATION FRONT

SENADO

ZAMBOANGA CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with