P12M gastos sa Korea visit ni PNoy

SEOUL, South Korea – Naglaan ang gobyerno ng P12 milyon para sa 2-day state visit ni Pangulong Aquino sa South Korea, ayon kay Executive Secretary Paquito Ochoa Jr.

Dumating kahapon sa South Korea ang Pangulo eksaktong 12:59 pm (11:59 am sa Pilipinas).

Kabilang sa pagkakagastusan ng P12 milyon ang transportasyon, accommodation, pagkain at equipment requirements para sa Pangulo at kanyang 60-miyembrong opisyal ng delegasyon.

Nagtungo ang Pangulo sa South Korea sa imbitas­yon ni Republic of Korea President Park Geun-hye.

Ngayong araw inaasahang makikipagkita ang Pa­ngulo sa Filipino community na nasa South Korea.

Nauna ng inihayag ng Department of Foreign Affairs (DFA) na si Pangulong Aquino ang kauna-unahang lider ng bansa na nagsagawa ng state visit sa South Korea simula ng maluklok sa puwesto si Park noong nakaraang Pebrero.

Show comments