MANILA, Philippines - Sinabi naman ni Presidential Communications Group Sec. Ricky Carandang, pinakilos kaagad ni Pangulong Aquino ang National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC), Department of Public Works and Highways (DPWH), Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Health gayundin ang Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police upang tumulong sa mga biktima ng malakas na lindol sa lalawigan ng Bohol, Cebu,Negros Oriental, Dumaguete, Panay island gayundin sa NorÂthern Mindanao.
“All national agencies concerned have been ordered into action and told to coordinate with local disaster and relief agencies,†ani Carandang.
Sa ulat na nakarating sa Palasyo, nabatid na kabilang sa nawasak ng malakas na lindol ang national heritage na Loboc Church sa Loboc, Bohol.
Nagmistula ngayon ghost town ang Cebu City dahil sa malakas na paglindol kasunod ng maraming aftershocks.