Bagyong Tino, pumasok na sa PAR

MANILA, Philippines - Pumasok na sa Philippine Area of Responsibility (PAR)  ang bagyong si Tino.

Alas-11:00 ng umaga kahapon, si Tino ay namataan ng PAGASA sa layong 1,210 kilometro silangan hila­gang silangan ng  Basco, Batanes taglay ang lakas ng hanging umaabot sa  160 kilometro bawat oras malapit sa gitna at may pagbugso ng hangin na aabot sa  195 kilometro bawat oras.

Si Tino ay kumikilos pahilaga hilagang kanluran sa bilis na  20 kilometro.

Ngayong Martes ng umaga, si Tino ay inaasahan na nasa layong 1,110  kilometro hilagang silangan ng  Basco, Batanes o nasa layong 990 kilometro silangan ng  Northern Taiwan at lalabas na ng Philippine Area of Responsibility.

Gayunman, ayon sa PAGASA magkakaulan naman ang ilang bahagi ng bansa na nakakaranas ng maulap na kalangitan pero wala itong kinalaman sa naturang bagyo.

 

Show comments