^

Bansa

Sundalo, pulis na lumaban sa Zambo pararangalan

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kikilalanin ng Senado ang kabayanihan ng mga pulis at sundalo na lumaban sa nangyaring Zam­boanga siege kung san ilan sa kanila ang nagbuwis ng buhay.

Sa Senate Resolution 283 na inihain ni Senator Francis “Chiz” Escudero, dapat lamang bigyan ng parangal ang mga sundalo at pulis na nakipagbakbakan sa grupo ng Moro National Liberation Front (MNLF).

Hindi aniya madali ang ginawa ng mga kasapi ng AFP at PNP na sumabak sa Zamboanga City siege noong Setyembre 9 na tumagal ng halos tatlong linggo.

Maliwanag aniya na nagampanan ng mga sundalo at pulis ang kanilang tungkulin dahi nanumbalik ang normal na buhay ng mga taga-Zamboanga City.

Nararapat lamang aniyang parangalan ng Senado ang mga pulis at sundalo na buong giting na ginagampanan ang kanilang tungkulin sa bayan.

vuukle comment

CHIZ

KIKILALANIN

MALIWANAG

MORO NATIONAL LIBERATION FRONT

SA SENATE RESOLUTION

SENADO

SENATOR FRANCIS

ZAMBOANGA CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with