MANILA, Philippines - Dahil sa umano’y pagÂlabag sa elections rules, diniskuwalipika ng Commission on Elections si Mayor Benjamin Calderon ng Roxas, Isabela dahil sa sinasabing vote-buying noong May 13, 2013 elections.
Una nang diniskuÂwalipika ng Comelec First Division si Laguna Gov. ER Ejercito dahil sa paggasta ng sobra-sobra o over spending, habang ilang opisyal din sa Bulacan ang nasagasaan ng kaparehong parusa noong nakaraang linggo.
“Namimigay ng mga bigas, namigay ng mga baboy na buhay. Thats vote buying. Vote buying means giving anything of value, instead of giving money...sako-sakong bigas...sa probinsya ganun ang vote-buying,†pahaÂyag ni Comelec Chairman Sixto Brilliantes sa panayam sa TV.
Nilinaw naman ni Brillantes na hindi lang local officials ang kanilang parurusahan sa sandaling mapatunaÂyang lumabag sa batas. Hindi rin lusot ang mga matataas na opisÂyal ng pamahalaan na nanalo sa nakalipas na halalan ngunit nakagawa ng paglabag sa elections laws.