Ex-PNP, DOTC Chief Mendoza pumanaw na
MANILA, Philippines - Sumakabilang buhay na si dating Philippine National Police at Department of Transportations and Communications (DOTC) Sec. Leandro Mendoza matapos na dumanas ng kumplikasyon sa pagkaka-stroke at sakit sa puso, kahapon ng umaga.
Ayon kay PNP-Public Information Office (PNP-PIO) Chief Sr. Supt. Reuben Theodore Sindac, si Mendoza bilang dating hepe ng PNP ay gagawaran ng full honor alinsunod sa tradisyon, nakagawian at protocol.
Si Mendoza, produkto ng Philippine Military AcaÂdemy (PMA) Class 1969, nagsilbi bilang PNP Chief simula 2001 hanggang 2002 ay pumanaw sa gulang na 67-anyos.
Sinabi ni Sindac, si Mendoza ay nasawi sanhi ng kumplikasyon sa pagkaka-stroke na dinanas nito noong nakalipas na taon sa kaniyang tahanan sa Parañaque City at sanhi ng atake sa puso.
Naulila ng dating PNP Chief ang misis nitong si Soledad, mga anak na sina Maria Leah, Michael, Mark Llandro, Maria Leilani, Matthew at Maria Leanne.
Matapos na magsilbi bilang PNP Chief ay natalaga si Mendoza bilang kalihim ng DOTC at nagsilbi ring Executive Secretary ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.
Nakaburol ngayon sa Heritage Memorial Park sa Taguig City ang labi ni Mendoza.
- Latest