MANILA, Philippines - Target ng Commission on Elections na tapusin sa Disyembre 2013 ang filing ng disqualification cases laban sa mga offenders o luÂmabag sa election rules noong Mayo.
Ayon kay Comelec Commissioner Christian Robert Lim, may mga hawak na silang listahan ng mga kandidatong sumobra ang gastos sa kamÂpanya, mga bumili ng boto, mga hindi nagsumite ng Statements of Election Contributions and Expenditures o SOCE, at iba pang opensa.
Hindi naman isiniwalat ni Lim kung sinu-sino ang susunod na sasampulan ng disqualification cases.
Inamin naman ni Comelec Comm. Louie Tito Guia na hindi kayang araling lahat ng Comelec ang mga paglabag sa halalan.
Nanawagan ang Comelec sa publiko at iba’t ibang grupo na tulungan sila sa imbestigasyon.
Hawak na rin ng CoÂmelec ang mga pag-aaral na ginawa ng Philippine Center for Investigative Journalism at Lente na makatutulong sa pagsasampa ng kaso.