Sigaw sa ‘Million People March 2’ Presidential Pork, DAP, PDAF buwagin!
MANILA, Philippines - Nagkakaisang paÂnawagan ng libo-libong dumalo sa “Million People March (MPM) 2†sa Ayala Avenue sa Makati City ang tuluyang pagbuwag na ni Pangulong Aquino sa sarili niyang “pork barrel, Disbursement AcceÂleration Program (DAP) at PDAF (Priority DeveÂlopment Assistance Fund (PDAF) ng mga Senador at Congressmen.
Bagama’t hindi nakamit ang target na 1 milyong katao, naniniwala ang mga organizer ng pagtitipon na naiparating pa rin nila sa Malacañang ang panawagan ng taumbayan na patuloy na umaayaw na sa “Pork Barrel†kahit anong paÂngalan ito tawagin.
Magsasagawa rin naman ng petisyon ang mga organizer na papipirmahan sa 1 milyong katao kontra sa “pork barrel†at ihahain ito sa Malacañang, Senado at Kongreso.
Kahapon, maaga pa lang nang iparada ng mga miyembro ng Bagong AlÂyansang Makabayan (Bayan) ang dambuhalang “Golden Baboy effigy†na may taas na 8 talampakan at habang 10 talampakan sa kanto ng Paseo De Roxas at Ayala Avenue na pinagbabato ng mga raliyista. Nakilahok rin ang ilang mga empleyado at mga call center agents sa kilos-protesta ngunit hindi gaanong lumobo ang bilang ng tao.
Nagsagawa ng pagdarasal, noise barrage habang nagkanya-kanya namang talumpati ang mga lider ng mga grupo ng organisasyong sumali sa kilos-protesta. Bukod sa mga placards, banners at effigies, nagsuot rin ang mga raliyista ng “pig masksâ€.
Dakong alas-6 ng gabi, tinatayang nasa higit 8,000 lamang ang tantiya ng pulisya sa bilang ng tao sa Ayala Avenue.
Una nang sinabi ni MPM organizer Peachy Bretaña na patuloy ang pagsasagawa nila ng mga susunod pang kilos-protesta hanggang hindi sinusunod ng mga nanunungkulan sa pamahalaan ang taumbayan na itinuturing umano na “Boss†ni PNoy.
Ilan namang kalahok ang nagpanukala na huwag sila kaltasan ng buwis hanggang hindi nareresolba ang isyu sa “Pork Barrel scam†habang mas matapang naman ang panawagan ng grupo ng mga call center agents na magkaroon ng tatlong buwan “tax holiday†hanggang hindi ibinabasura ng Malacañang ang “pork barrel†sa anumang uri nito habang ang ilan ay iginiit na ibalik ng mga nagkasala ang perang ninakaw sa kaban ng bayan.
Naging mapayapa naman sa kabuuan ang pagtitipon.
- Latest