MANILA, Philippines - Itinuturing na panibagong “evil†ni Novaliches Bishop emeritus Teodoro Bacani ang “Disbursement Acceleration Program†ni Pangulong Aquino.
Nilinaw ni Bishop Bacani, isa sa mga nag-framework ng 1987 ConsÂtitution na illegal at labag sa Saligang Batas ng Pilipinas ang DAP. Ayon sa Obispo, kailangang may authorization ng Kongreso ang DAP.
Bukod sa ilegal sa konstitusyon ay kuÂwestiyuÂnable din ang paggamit ng DAP dahil ginamit umano ito sa mga Senador para umano ma-impeach si CJ Corona.
Itinuturing din ng Obispo na “injustice†ang DAP dahil wala namang proyekto na pinaglaanan ng bilyun-bilyong pisong pondo kundi ipinang-suhol lamang sa mga mambabatas.
Kaugnay nito, hinamon ni Bishop Bacani ang gobyerno na gumawa ng decisive action sa nabunyag na maling paggamit sa DAP at parusahan kung sino ang nagkamali.
Hinamon din ng Obispo ang Commission on Audit na imbestigahan kung ano ang ginawa sa DAP, saan ginamit ng mga Senador ang 50-milÂyong piso mula sa DAP at kung anu-anong proyekto ang pinaglaanan ng mga Senador sa pondo, partikular na si Senate President Franklin Drilon at Senador Chiz Escudero na tumanggap ng dagdag na P100-milyon.
Pinayuhan ni Bishop Bacani ang Pangulong Aquino na resolbahin ang isyu sa DAP dahil demoÂralized at galit na galit na ang taongbayan sa ginagawang pagwawaldas ng gobyerno sa kaban ng bayan.