^

Bansa

Palasyo: DAP legal

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Siniguro naman ng Ma­lacañang na hindi labag sa Konstitusyon ang DAP na itinatag ng Aquino admi­nistration.

Sinabi ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda, may legal na basehan ang hakbang ni Pangulong Aquino at DBM para sa DAP.

Una nang sinabi ni da­ting National Treasurer Leonor Briones na maaring nalabag ni Pangulong Aquino ang Saligang Batas dahil tanging savings ng Office of the President ang maaring i-realign ng chief executive at hindi kasama ang ibang ahensya ng pamahalaan.

Ayon kay Lacierda, nakapaloob ito sa Article 6 Section 25 (5) ng 1987 Constitution at sa mismong Administrative Code.

Kung mayroon kukuwestiyon dito ay handa anilang ipaliwanag at idepensa ang DAP.

ADMINISTRATIVE CODE

AQUINO

AYON

NATIONAL TREASURER LEONOR BRIONES

OFFICE OF THE PRESIDENT

PANGULONG AQUINO

PRESIDENTIAL SPOKESMAN EDWIN LACIERDA

SALIGANG BATAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with