Farmers sa Hacienda Luisita bibigyan na ng land title

MANILA, Philippines - Sisimulan na ng Department of Agrarian Reform (DAR)  ang pamamahagi ng titulo ng lupa bukas, araw ng Lunes sa mga farmer-beneficiaries ng Hacienda Luisita na pagmamay-ari ng pamilya ni Pangulong Noynoy Aquino.

Ayon kay DAR Undersecretary for Legal Affairs Anthony Parungao, ang  certificated true copies ng Certificates of Land Ownership Award (CLOA) ay ipamamahagi sa mga farmer-beneficiaries mula sa 10 barangay ng  Hacienda sa Tarlac City.

Sinabi ni Parungao na noon pang  September 25 ng taong ito ay narepaso na ng CLOA ang pagbibigay nila ng titulo ng lupa  para sa  5,800 magsasaka na naayos na ng ahensiya at nairehistro na sa Registry of Deeds.

Gayunman, ayon kay Parungao, sa naturang bilang ay  may  296  benepisyaryo ay kailangang e-claim ang kanilang Lot Allocation Certificates (LAC) habang ang may  377 benepisyaryo ay kailangan munang lagdaan at e-file ang kanilang Application to Purchase and Farmers Undertaking ( APFU) .

Paniwala ng DAR , maaaring ang mga  benepisyar­yong nabanggit  ay nagtatrabaho na sa abroad o nakatira sa labas ng Tarlac kayat hindi nakukuha ang kanilang  LACs  at  hindi napirmahan at nai file ang kanilang APFUs.

Sinabi ni Parungao na ginagawa ang lahat ng ahensiya ang paraan upang makaugnayan ang mga nabanggit na beneficiaries upang makuha ang kanilang lupa.

 

Show comments