MANILA, Philippines - Ang MIMAROPA at Kanlurang Kabisayaan ay makakaranas ng maulap na papawirin na may katamtaman hanggang sa kung minsan ay malakas na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog na maaaring magdulot ng mga pagbaha at pagguho ng lupa. Ang Metro Manila, Gitnang Luzon, CALABARZON, Kabikulan at ang nalalabing bahagi ng Kabisayaan ay magkakaroon ng maulap na kalangitan na may mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan at pagkidlat-pagkulog. Ang natitirang bahagi ng bansa ay magiging bahagyang maulap hanggang sa maulap na may pulu-pulong pag-ulan o pagkidlat-pagkulog. Ang araw ay sisikat dakong 5:45 ng umaga at lulubog dakong 5:50 ng hapon.