MANILA, Philippines - Aabot sa 107 mga preso ang napalaya mula sa iba’t ibang kulungan sa lalawigan ng Cavite sa pagdaraos ng ikalawang bugso ng Judgment Day sa nasabing probinsya.
Ayon kay Supreme Court Administrator Jose Midas Marquez, ilan sa mga kaso ay idinaos sa mga regular na hukuman at may mga nilitis din sa mga jail facility.
Ang nasabing bilang ay karagdagan pa sa 61 inmate na napalaya mula sa Judgement Day 1 na idinaos sa Cavite dalawang linggo na ang nakakalipas.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Marquez kasama si Deputy Court Administrator Raul Villanueva kung saan inikot nila ang iba’t ibang mga hukuman at BJMP detention facilities sa Cavite.
Layunin ng Judgement Day na ma-decongest ang mga bilangguan sa bansa at mapabilis ang paglutas sa mga kaso.