‘Zero remittance’ ng OFWs ngayon na
MANILA, Philippines - Ngayong araw maglulunsad ng Zero Remittance Day ang mga overseas Filipino workers bilang pagkondena sa pagkakalustay ng bilyun-bilyong pisong pork barrel fund.
Pangungunahan ng Migrante International ang paglulunsad ng zero remittance day na anila’y pinakamabisang paraan para maiparating sa gobyerno ang kanilang hinaing laban sa nabunyag na paninindikato ng pork barrel fund.
Nakikiisa ang Migrante sa panawagan na tuluyang pagbuwag sa pork barrel system at ang pondo para rito ay dapat ilaan na lamang sa mga social services para sa mga nangangailangang mamamayan kabilang na ang mga OFW.
Makikiisa sa Zero Remittance Day ang mga OFWs mula sa Australia, Hong Kong, Japan, South Korea, Macau, Taiwan, Qatar, Kingdom of Saudi Arabia, Libya, Dubai, Italy, Austria, Belgium, Denmark, Netherlands, Switzerland, United Kingdom, Canada, United States at Malaysia.
- Latest