MANILA, Philippines - Aprub sa may 17 senador na ipagpaliban ang SK elections sa Oktubre at ituloy na lamang ito sa 2016.
Sa weekly forum sa Annabels sa Quezon City, sinabi ni Senate President Franklin Drilon na minamadali na nila sa Senado ang pagpasa sa Senate Bill No. 1186 na nagpapaliban sa naturang halalan.
Anya, pabor din siya sa pahayag ni Senador Ferdinand “Bongbong†Marcos Jr. na huwag payagan ang mga incumbent SK officials na manatili sa puwesto hanggang 2016 dahil pagdating ng taong ito ay mataas na sa 17 anyos ang mga ito o overage na sa nabanggit na taon.
Ang SK officials ay 15 hanggang 17 anyos lamang.
Sa kasalukuyan ay nakapasa na sa ikalawang pagbasa sa Senado ang panukalang ipagpaliban ang SK elections ngayong taon.
Sinasabing marami ang nadismaya sa pagkakaroon ng mga lider na kabataan dahil nagagamit lamang umano ito ng mga politiko sa kanilang pansariling interes.