^

Bansa

Mga sundalo kinakapos na ng pagkain

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dumaraing na ng gu­tom dahilan sa kakapusan ng pagkain ang mayorya sa mga sundalong sumasabak sa bakbakan sa Zamboanga City.

Ayon sa ilang mga sun­dalo na tumangging magpabanggit ng pangalan, kadalasan ay hindi sila nag-aalmusal at masuwerte na kung may pandesal o lugaw silang kinakain dahil kadalasang naantala pa ang paghahatid ng supply.

“Marami naman ka­ming supply ng bala kaya lang medyo kumakalam na ang aming sikmura, hindi pa kasi kami nag-aagahan, heto sumasabak na naman sa bakbakan,” anang isang Army Sgt. na hindi nagpabanggit ng pangalan.

Natutuwa naman ang mga sundalo at maraming mga residente ng barangay Sta. Barbara, Sta. Catalina, Talon-Talon, Rio Hondo at Mampang ang nagbibigay sa kanila ng agahan tulad ng nilagang itlog, lugaw at pandesal. Sa mga nabanggit na lugar nagtatago ang MNLF na may hawak pang mga bihag.

Sa kabila nito, sinabi naman ng mga sundalo na kahit may mga pagkakataong nagugutom sila dahil sa kakapusan ng supply ng pagkain ay handa silang magtiis para sa ikatatamo ng kapayapaan.

ARMY SGT

AYON

DUMARAING

MAMPANG

MARAMI

NATUTUWA

RIO HONDO

ZAMBOANGA CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with