^

Bansa

Walang ceasefire - AFP

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Walang ceasefire, hangga’t patuloy na nagpapaputok ang Moro National Liberation Front (MNLF) breakaway group laban sa tropa ng pamahalaan at mga pangunahing instalasyon ng gobyerno kaugnay ng gulo sa Zamboanga City.

Ito ang binigyang diin kahapon ni Defense Secretary Voltaire Gazmin kasunod ng inanunsyo ni Vice President Jejomar Binay na nagkasundo na ang Kalihim at si MNLF founding chairman Nur Misuari, na ipatupad ang ceasefire para bigyang daan ang mapayapang solusyon sa krisis sa Zamboanga City na nasa ika-pitong araw na ngayon.

Sinabi ni Gazmin na tinawagan siya nitong Biyernes ng gabi ni Binay at sinabing kaya nitong makipagdayalogo kay Misuari.

Ayon sa Kalihim, ti­nanong rin siya ni Binay kung tutol sa ceasefire at ano ang opinyon ng Defense Chief ukol dito.

“I told Binay all of us want peace. He said he can talk to Misuari. I said government troops will stop firing only if the MNLF stops firing,” paliwanag ng Defense Chief.

Nanawagan naman si Crisis Management Council (CMC) Chairman at Zamboanga City Mayor Isabelle “Beng” Climaco Salazar sa mga opisyal ng barangay na tumulong sa security forces upang idepensa ang kanilang mga komunidad.

Muli rin itong umapela sa mga Commander ng MNLF na palayain ang lahat ng nalalabing hostages at landasin na ang kapayapaan para sa ikatatahimik ng lungsod.

Aminado rin ang alkalde na apektado na ang kanilang ekonomiya.

Sa kasalukuyan ay mahigit 62,000 na ang nagsilikas simula nitong Lunes.

Ang ibang residente ay mas pinili pang sumakay ng bangka kasama ang kanilang mga pamilya na nagpapaikot-ikot sa tabing dagat sa halip na maki­pagsiksikan sa evacuation centers.

BINAY

CLIMACO SALAZAR

CRISIS MANAGEMENT COUNCIL

DEFENSE CHIEF

DEFENSE SECRETARY VOLTAIRE GAZMIN

KALIHIM

MISUARI

MORO NATIONAL LIBERATION FRONT

ZAMBOANGA CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with