ZAMBOANGA CITY, Philippines - Nagpahayag ng pagdududa si Pangulong Aquino na walang kinalaman si founding MNLF chairman Nur Misuari sa paglusob ng MNLF rebels sa lungsod na ito.
Sinabi ng Pangulo na wala siyang narinig na kinausap ni Misuari si Kumander Habier Malik upang itigil ang pag-atake sa lungsod.
Ito ang naging tugon ng Pangulo sa ulat na itinanggi ni Misuari na utos niya ang paglusob ng MNLF sa Zamboanga city.
Aniya, dapat siguro ay pag-isipan munang mabuti ang sinasabing walang kinalaman si Misuari sa naging aksyon ng may 100 MNLF na sumugod sa lungÂsod na ito at patuloy na ginagawang hostage ang mga sibilÂyan.
Idinagdag pa ng PaÂngulo, inireport sa kanya ni Justice Sec. Leila de Lima na kaya ang mga dating kaso ni Misuari ay nabasura ay dahil sa kakulangan ng ebidensiya at ayaw niyang mangyari ulit ito kaya tinitingnan natin ang aktwal na ebidensiya bago natin sila sampahan ng kaso.
Nagtungo kahapon sa lungsod na ito si Pangulong Aquino upang personal na ihatid ang mga relief goods, gamot at mga pangangailangan ng mga sundalo gayundin ng mga evacuees na naipit sa labanan.
Humingi din ng paumanhin ang Pangulo sa mga residente dahil sa hindi agad mawakasan ang krisis pero nangakong mareresolba ito sa mapayapang paraan upang maiwasan ang anumang lost of lives.