^

Bansa

Mga senador na masasampahan ng plunder hindi agad makukulong

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hindi raw kaagad-agad maaring ikulong ang tatlong senador na napaulat na kakasuhan ng plunder dahil sa pagkakasangkot sa P10 bilyong pork barrel fund scam.

Ayon kay Senate President Franklin Drilon, bagaman at non-bailable o walang piyansa ang kasong plunder, kinakaila­ngan pa ring suriin ng Ombudsmans kung may “probable cause” ang kaso para maisampa sa Sandiganbayan pero hindi umano agad-agad na ikukulong ang tatlong senador na kinabibila­ngan nina Senate Mino­rity Leader Juan Ponce Enrile, Jinggoy Estrada at Ramon “Bong” Revilla Jr.

Katulad umano ng mga ordinaryong krimen kinakailangan munang tingnan kung may mala­kas na ebidensiya at saka pa lamang maa­aring magsampa ng kaukulang kaso.

Kung makikita umano ng malakas ang ebidensiya ay saka pa lamang magpapalabas ng warrant of arrest na walang bail.

Sinabi rin ni Drilon na hindi awtomatikong matatanggal bilang mga miyembro ng Kongreso ang mga mambabatas na sasampahan ng kasong plunder.

Tanging ang Kongreso lamang at hindi ang korte ang puwedeng magsuspinde sa mga miyembro ng Lehislatura.

Maari pa rin daw magtrabaho bilang mga mi­yembro ng Kongreso ang sinumang mambabatas na masasampahan ng kaso hangga’t hindi sila nasesentensiyahan.

 

AYON

DRILON

JINGGOY ESTRADA

KATULAD

KONGRESO

LEADER JUAN PONCE ENRILE

LEHISLATURA

REVILLA JR.

SENATE MINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with