DA, NFA kinastigo sa rice scam
MANILA, Philippines - Squid tactic lang umano ng mga opisyal Department of Agriculture at ng National Food Authority ang reaksyon ng mga ito na pulitika lang ang nasa likod ng mga paratang hinggil sa anomalya sa importasyon ng bigas mula sa Vietnam noong Abril.
Ito ang ipinaratang ng abogadong si Argee Guevarra na takdang humarap sa mga opisyal ng DA at NFA sa gagawing pagdinig ng House of Representatives committee on food security sa isyu ng suplay at presyo ng bigas sa bansa sa Huwebes.
Bilang tugon sa mga pagtanggi ni NFA Deputy Administrator Ludovico Jarina noong isang linggo, sinabi noong Martes ni Atty. Guevarra na “ang mga pagtanggi sa matiwaling transaksyon sa pag-angkat ng bigas ay dapat tanggapin ng may halong duda†lalo na sa patuloy na pagtas ng presyo ng bigas sa mga pamilihan.
Ipinagkibit balikat lamang ni Jarina noong nakaraang linggo ang mga alegasyon ni Guevarra tungkol sa P457 million overprices na importasyon ng bigas noong Abril at sinabing isa lamang itong paninira sa kanila ng mga grupong umaayaw sa repormang ipinapatupad sa NFA.
Kinuwestyon ni Guevarra ang repormang sinasabi ni Jarina kasabay ng pagbira sa umiiral na monopolyo sa pag-aangkat ng bigas upang makopo nila ang taguring Mafia sa Pampublikong Sektor na syang magdidikta sa araw-araw na kinakain ng mamamayan.
“Bakit ka mag-aangkat ng pagkamahal-mahal na bigas kung ang hawak mong stock ng bigas noong taong 2008 pa ay hindi pa man lamang nagagalaw?†tanong ng abogado.
Tungkol naman sa sinasabi ng NFA na nakatipid pa sila ng halos isang milyong piso sapagkat kabilang sa kanilang transaksyon ang gastusin sa handling at freight, ito naman ang tugon ni Guevarra: “May $100 na balance pa rin, ang minimum export price (MEP) ng Vietnam ay $365 per kada MT; at kung sakali mang may katotohanan ang kanilang anggulo na kasama sa kanilang imported rice ang handling at delivery, ang handling po mula sa mga pantalan ng Pilipinas patungo sa warehouses ng NFA ay nagkakahalaga lamang ng $22 kada MT habang ang vessel freight cost y nagkakahalaga ng hindi hihigit ng $25 kada MT. Kung susumahin, kaÂilaÂngan pa ring mag paÂÂliwaÂnag ng NFA sa nawawalang $36.74 kada MT.â€
- Latest