MANILA, Philippines - Umaabot sa kalahating bilyong piso ang hinihinging alokasyon ngayon ng Malakanyang para sa confidential and extraordinary expenses ng Office of the President (OP) para sa susunod na taon.
Ang naturang pondo ay nakapaloob sa 1.9 billion na Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE) sa ilalim ng 2.8 bilyon na 2014 budget ng tanggapan ng pangulo.
Iginiit naman ni Act Party list Rep. Antonio Tinio na hindi pang-karaniwan o kakaiba ang 1/4 ng kabuuang pondo ng OP ay para sa confidential at extraordinary expenses.
Depensa naman ni Executive Sec. Paquito Ochoa hindi na ito unusual dahil marami umanong tinatrabaho ang tanggapan ng Pangulo kaugnay sa mga isyung pang seguridad at peace and order ng buong bansa.
Nasa ilalim umano ng OP ang Security Council, Anti-Terrorism Council, Presidential Anti-Organized Crime Task Force at Presidential Commission on Transnational Crime.