Shellfish ban sa Samar inalis na
MANILA, Philippines - Tinanggal na ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang shellfish ban sa mga baybayin ng lalawigan ng Samar.
Sinabi ni BFAR Director Asis Perez, ligtas nang kainin ang shellfish products tulad ng tahong, talaba, halaan sa Cambatutay Bay, Irong-irong Bay at Calbayog waters sa Samar dahil negatibo na sa paralytic shellfish poison o red tide toxin ang mga baybaying ito.
Gayunman, tanging ang Matarinao Bay sa Eastern Samar ang hindi pa rin maaaring kainin ang shellfish products dito dahil mataas pa rin ang red tide toxicity sa baybaying ito.
Nakipag-ugnayan na ang BFAR sa local na pamahalaan doon na pigilan na makarating sa mga pamilihan ang tahong mula sa Matarinao Bay dahil hindi pa ito ligtas kainin.
- Latest