MANILA, Philippines - Umapela ang Taguig Public Order and Safety Office (POSO) kay Makati Mayor Junjun Binay na itigil na ang mga hakbanging nagpapataas ng tensyon sa pagitan ng dalawang lungsod kaugnay na rin ng “pinag-aagawang†Fort Bonifacio.
Pakiusap ito ni Taguig (POSO) chief Kim Pautin kay Binay sa harap ng maraming beses na pagpasok sa Taguig ng mga umano’y tauhan ng Makati City Government na nagdudulot ng tensyon.
Partikular na tinukoy ni Pautin ang mga pahayag ni Binay na kanya nang kinukuha ang Fort Bonifacio sa Taguig partikular ang financial district na Bonifacio Global City (BGC) gayundin ang walang habas na pagpasok doon at sa ibang lugar sa Taguig ng mga tauhan ng Makati Public Safety Authority (MAPSA) at maging ng Makati Police.
“Hindi ko masabi kung ano ang nasa isip ni Mayor Binay pero kung responsable siyang pinuno ay hindi siya magpapalabas ng mga kautusan na puwedeng ikapahamak ng kanyang mga tauhan,†ayon kay Pautin.
Nagkaroon ng tensyon sa Palar Village ilang linggo ang nakalipas, dahil nagpadala ng mga sinasabing gagawa ng kalsada si Binay na hindi sumasangguni sa barangay na nakasasakop doon.
Kamakailan ay hiniling din ni Binay sa Southern Police District na agad nang ibigay sa Makati Police ang hurisdiksyon sa BGC na kinontra naman agad ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP).
Pinayuhan ni Pautin si Binay na sumunod na lamang sa proseso at hintayin ang magiging pinal na desisyon ng hukuman.
“Nakapaghain na ang Taguig ng motion for reconsideration sa hukuman, para sa ikabubuti ng lahat ay mas maiging sundin ito ni Mayor Binay,†pagtatapos ni Pautin.