Restorative justice pinalakas sa NBP

MANILA, Philippines - Mas pinalakas ngayon ang “restorative justice” sa New Bilibid Prisons (NBP) partikular ang sports and recreation programs sa tulong at suporta ng pilantropong musikerong si Kuya Herbert Colanggo.

Sa kooperasyon ng Sports and Recreation Office (SARO) ng Bureau of Corrections (Bucor), idinaraos kada linggo ang tinaguriang “Kuya Herbert Charity Show” sa loob ng NBP.  Unang inihatid ang programa sa Batang City Jail covered court kung saan halos 1,000 mga senior, elderly at disabled na bilanggo ang nabiyayaan.

Dito nabigyan ang mga pamilya ng mga preso ng “kabuhayan showcase”, mga munting regalo sa mga bilanggo tulad ng tsinelas, sabon, shampoo, tuwalya, sombrero, at mga damit; at mga bag ng groceries sa mga pamilya ng mga ito.

Isinasagawa ang “res­torative justice program” sa ilalim ng Republic Act 1075 BuCor Act of 2013 na nagsasaad ng repormasyon sa mga bilanggo sa pamamagitan ng sports and recreation program.

Ang Reformation o Restorative Justice  ay ang pamumuhay ng mga bilanggo na parang isang komunidad na tutugon sa psychological at emotional depression ng mga ito. Kasama dito ang regular na pagdalaw ng mga kaanak at iba pang mga programa. Binibigyang-diin dito na hindi pagpaparusa ang tunay na hangarin ng pagpapakulong sa mga inmates kung hindi ang mai-reporma at maitama ang mga ito upang paglaya ay muling makabalik ng maayos sa lipunan.

Show comments