MANILA, Philippines - Upang maging bukas sa publiko, iginiit kahapon ni Senator Miriam Defensor-Santiago na ilagay sa website ng Senado ang lahat ng impormasyon kung magkano talaga ang kinikita ng bawat senador, na tinatayang nasa P600,000 o mahigit sa kalahating milyong piso kada buwan.
Balak ni Santiago na maghain ng isang resolusÂyon upang pormal na igiit sa Senado ang paglalagay sa Senate website ng income ng mga senador.
Ayon kay Santiago, ang recorded na sahod ng bawat senador ay P90,000 lamang kada buwan base sa Salary Standardization Act.
Pero maituturing aniyang ‘misleading’ ang nasabing halaga dahil mas malaki pa dito ang tinatanggap ng bawat senador na nanggagaling sa pondo ng Senado.
Kabilang sa mga piÂnanggagalingan ng kita ng isang senador ang chairmanship sa isang oversight committee at membership sa Commission on Appointments.
May extra rin aniyang kita ang isang senador kapag nahalal ito bilang isa sa mga lider ng Mataas na Kapulungan.
“Among the sources of extra income is chairmanship of an oversight committee, or membership in the Commission on Appointments. And there is more. If the senator is elected as one of the Senate officials, that senator gets even much more than his colleagues,†ani Santiago.
Idinagdag din nito na ang discretionary funds sa ilalim ng kontrol ng isang senador ay mula P2.7 milÂyon hanggang P4.5 milyon.
Kung pagsasama-saÂmahin umano ang kita ng bawat isang senador, maaari itong umabot sa P4 milyon hanggang P5 milyon isang buwan. Hindi umano dito kasama ang 10% hanggang 50% kickback mula sa pork barrel funds.
Nais ni Santiago na magkaroon ng isang webÂsite ang gobyerno kung saan ilalagay ang lahat ng impormasyon tungkol sa buwanang kita ng mga senador at congressmen.
Inihalimbawa nito ang programa na Open GoÂvernment Initiative na sinimulan noong 2009 ng Obama administration sa Amerika.