Pagbuwag sa ‘pork’ nasa kamay ng mga senador, kongresista
MANILA, Philippines - Nasa kamay ng mga mambabatas ang kapangyarihan para tuluyang burahin ang Priority Development Assistance Fund (PDAF) o pork barrel.
Paliwanag ni dating Albay Rep. Edcel Lagman, na naging chairman ng House Appropriations Committee, ang Malakanyang lamang umano ang nagsasama ng PDAF sa budget na isinusumite sa Kamara kada taon at kasamang nagiging batas ng General Appropriations Act (GAA) kapag pinagtibay na ito ng mga kongresista at mga senador.
Kahit pa anya bawiin ng Pangulo ang alokasyon ng PDAF sa ilalim ng budget ay kaya pa din itong ibalik ng mga mambabatas kung talagang ayaw itong alisin.
Maaari naman umanong i-veto ng Pangulo ang PDAF kahit pa pagtibayin ito ng mga mambabatas subalit mas mabuti na umano kung ang mga kongresista at senador na ang magkusa na alisin ito para wala na rin ibi-veto ang Pangulo.
Maliwanag umano na ang abolition ng PDAF ay congressional call alinsunod na rin sa paggamit ng “power of the purse†nito.
- Latest