PDAF ilaan sa edukasyon – NUSP

MANILA, Philippines - Kasabay ng naganap na Million People March sa Luneta kahapon ay nanawagan naman sa pamahalaan ang grupo ng mga estudyante na ilaan na lamang sa edukasyon ang Priority Development Assistance Fund (PDAF) upang mapalakas ang sistema ng edukasyon sa bansa.

Ang panawagan ay ginawa ng National Union of Students of the Philip­pines (NUSP), upang wakasan na ang pagpapasasa ng ilang senador at kongresista sa pera ng bayan.

“Seryoso kaming mga estudyante, kasama ang iba pang sektor, na igiit ang pag-abolish sa pork barrel. Napakalaki ng pondo para sa pork barrel, habang taun-taon ay hindi sapat ang pondo sa edukasyon at iba pang serbisyong panlipunan,” anang NUSP.

Sinabi ng grupo, dapat bigyan-pansin ng gobyerno ang lumolobong bilang ng mga estudyante kung saan ay kulang ang guro at mga classroom habang ang mga palikuran ay kulang sa supply ng tubig.

“What is involved here is the people’s money.  It should be used for the benefit of the people, and not for the benefit of a few greedy individuals,” dagdag pa ng grupo.

Show comments