^

Bansa

Tsismosong obrero kinatay ng kabaro

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Brutal na kamatayan ang sinapit ng 24-anyos na obrero na sinasa­bing nagpakalat ng tsismis laban sa  nobya ng kaniyang kasamahang obrero matapos itong pagtatagain sa bahagi ng palm oil plantation sa bayan ng Bunawan, Agusan del Sur noong nakalipas na linggo.

Bandang alas-10:45 ng umaga kamakalawa nang madiskubre ang umaalingasaw at nagsisimula nang maagnas ang bangkay ng biktimang si Joseph Parcon Suay ng San Francisco, Agusan del Sur.

Lumantad naman ang testigong si Ronel Martinez na nakonsensya kung saan itinuro ang pangunahing suspek na si Benjover Sarate na kasalukuyang pinaghahanap ng pulisya.

Sa salaysay ni Martinez sa pulisya, napilitan siyang manahimik sa matinding takot na buweltahan  ng suspek matapos siyang pagbantaan.

Gayon pa man, nang madiskubre ang bangkay ng kasamahang obrero kamakalawa ay napilitan ng lumantad si Martinez.

Nabatid na nag-ugat ang krimen matapos magpakalat ng masamang intriga ang biktima laban sa nobya ng suspek.

Sinuntok pa ng suspek ang biktima na hindi na nito pinatulan pa hanggang sa isagawa ang pamamaslang kung saan isinako pa ang bangkay saka itinapon sa palm oil plantation na tinabunan ng mga damo sa Brgy. Consuelo sa nasabing bayan.

 

 

AGUSAN

BANDANG

BENJOVER SARATE

BRGY

BUNAWAN

CONSUELO

JOSEPH PARCON SUAY

RONEL MARTINEZ

SAN FRANCISCO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with