MANILA, Philippines - Hinikayat kahapon ni Senate Majority Leader Alan Peter Cayetano ang gobyerno na maglaan na ng P5 milyong pabuya para sa sinumang makakapagturo sa kinarorooÂnan ni Janet Napoles na sangkot sa multi-bilyong pork barrel scam.
Naniniwala si CayeÂtano na mas mabilis na mahuhuli si Napoles kung maglalaan ng malaking pabuya ang gobyerno para sa ikadarakip nito.
Hindi aniya dapat pangÂhinayangan ang ibibigay na reward para sa ikadarakip ni Napoles kung ang kapalit naman nito ay ang malaman ang katotohanan.
Si Napoles ang sinasabing nagtayo ng mga pekeng NGOs na naging daan para mamanipula ang pork barrel funds o Priority Development Assistance Fund (PDAF) ng ilang senador at congressmen.
Buhat ng magpalabas ng warrant of arrest laban kay Napoles ay bigla na lamang itong nawala at may mga nagsasabing posibleng nakalabas na ng bansa.
Hindi rin inaalis ng National Bureau of Investigation ang posibilidad na nagpabago na ito ng mukha para matakasan ang batas.
Napaulat na nagawa pa ni Napoles na makabili ng nasa P184,845 halaga ng Philippine Airlines tickets sa pamamagitan ng kanyang credit card matapos magpalabas ng warrant of arrest laban sa kanya.
Samantala nakatakdang imbestigahan ng Senado sa Agost 29 ang isyu ng pork barrel scam kahit pa may mga senador na isinasangkot sa isyu.