MANILA, Philippines - Idodonasyon ng sikat na “Cebu dancing inmates†ang kanilang mga buhok para makatulong sa clean-up drive sa oil spill bunga ng paglubog ng MV St. Thomas Aquinas na binangga ng Sulpicio Express 7 sa Talisay, Cebu kamakailan.
Ayon kay Cebu Provincial Detention and Rehabilitation Center (CPDRC) warden Romeo Manansala may 1,600 inmates ang magpapagupit ng buhok para magamit na ‘oil spill boom’ upang masipsip ang kumalat na langis.
Ayon kay Manansala, nais ng mga dancing inmates na kahit sa maliit na paraan ay makatulong sa clean up drive upang mapigilan na ang paglawak pa ng oil spill sa mga baybaying barangay ng Cordova.
May kargang 120,000 litro ng bunker oil, 20,000 litro ng lube oil at 20,000 litro ng diesel ang St. Thomas Aquinas. Bukod sa Cordova ay nagbabadÂya rin itong kumalat sa iba pang mga kalapit na baybaying bayan at lungsod ng Cebu.
Sa kasalukuyan ay umaabot na sa 76 ang narerekober na bangkay sa trahedya at 44 na lamang ang nawawala habang nasa 750 ang survivor.