Bagong bagyo binabantayan

MANILA, Philippines - Hindi pa man nakakabangon mula sa delubhong hatId ng bagyong Maring, isa na namang panibagong bagyo ang inaasahang tatama sa bansa sa mga susunod na araw.

Ito ayon sa Pagasa ay bunga ng dalawang weather systems na bina­bantayan nila ngayon sa labas ng Philippine area of responsibility.

Sinasabing ang low pressure area na nasa bahagi ng Western Pacific Ocean ay isa na ngayong bagyo na may interna­tional name na Pewa.

Ang naturang bagyo ay huling namataan sa la­yong 4,830 kilometro sila­ngan hilagang silangan ng Pilipinas taglay ang lakas ng hanging 65 kilometro kada oras malapit sa gitna at kumikilos sa bilis na 11 kilometro bawat oras.

Bagama’t malayo pa sa teritoryo ng Pilipinas, pero posible umanong pa­iigtingin din nito ang epek­to ng habagat na siyang magdadala ng mga pag-ulan sa mga apektadong lugar sa Luzon.

Samantala, isa pang weather system ang patuloy na minomonitor nga­yon ng Pagasa sa sila­ngan ng Mindanao.

Bagama’t nasa labas pa ng teritoryo ng Pilipinas ang nasabing mga weather system ay may posibilidad naman umano itong  maging bagyo at ka­pag pumasok sa teri­toryo ng Pilipinas, ito ay tatawaging “Nando”.

Show comments