^

Bansa

Magdamayan, magtulungan - Tagle

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nanawagan si Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa lahat na magtulungan at damayan ang libu-libong mamamayan na nangangailangan ng tulong sa gitna ng nararanasang matinding pagbaha sa Metro Manila at rehiyon ng Luzon dahil sa patuloy na  pag-ulan. 

Umaasa si Cardinal Tagle sa kabila ng hagupit ng kalikasan ay umiral sa isip at puso ng bawat isa ang malalim na pagdadamayan para ang sakit na dulot ng kawalan ng bahay, mga gamit at kabuhayan ay mapunan ng nag-uumapaw na pag-ibig, pagtutulungan at pakikipagkapwa tao sa mga kapatid, mga kapitbahay at kapwa tao.

Tiniyak ni Cardinal Tagle sa pamamagitan ng Caritas Manila sa pamumuno ni Father Anton Pascual at ibang orga­nisasyon ng Simbahan ay maghahatid ng tulong ang Archdiocese ng Manila sa mga binaha na nasa iba’t ibang evacuation centers sa kasalukuyan.

Hiniling ni Kardinal Tagle sa lahat ng may sobra sa kanilang pangangailangan ay magpadala ng tulong sa mga nasalanta ng baha sa pamamagitan ng Caritas Manila, iba’t ibang organisasyon ng Simbahan o sa pamamagitan ng iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan.

Hinimok din ng Kardinal ang lahat ng mamamayan na manalangin at ipagdasal ang mga apektado ng Habagat na pinatindi ng bagyong Ma­ring.

CARDINAL TAGLE

CARITAS MANILA

FATHER ANTON PASCUAL

HABAGAT

HINILING

KARDINAL TAGLE

MANILA ARCHBISHOP LUIS ANTONIO CARDINAL TAGLE

METRO MANILA

SIMBAHAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with