Bagyong Maring nagbabanta

MANILA, Philippines - Patuloy na nagbabanta ang bagyong Maring sa Batanes area habang patuloy ang pagkilos sa silangan timog silangan.

Alas-11 ng umaga kahapon, si Maring ay namataan ng Pagasa sa layong 270 kilometro hilagang silangan ng Itbayat, Batanes taglay ang lakas ng hanging 55 kilometro bawat oras malapit sa gitna.

Patuloy ang pagkilos nito sa silangan timog silangan sa bilis na 11 kilometro bawat oras.

Ngayong Linggo, si Maring ay inaasahang nasa layong 510 kilometro silangan ng Itbayat, Batanes at sa Lunes ng umaga ay nasa layong 740 kilometro hilagang sila­ngan ng Itbayat.

Pinapayuhan ng Pagasa ang mga residenteng nakatira sa naturang lugar na mag-ingat at ugaliing mapagmasid sa paligid para makaiwas sa anumang epekto ng naturang bagyo.

Show comments