Dating driver ng POLO hanap sa ‘sex-for-flight’
MANILA, Philippines - Ipinapahanap na ng Senate blue ribbon committee sa mga awtoridad ang isang dating driver at empleyado ng Philippine Overseas Labor Office (POLO) sa Saudi Arabia upang paharapin sa ginagawang pagdinig ng Senado tungkol sa nabunyag na ‘sex-for-flight’ scheme.
Inatasan ni Sen. Teofisto Guingona, chairman ng Blue Ribbon, ang committee secretary na makiÂpagtulungan sa National Bureau of Investigation para alamin ang kinaroroonan ni Jojo Casicas upang magpaliwanag matapos akusahan ng tangkang panggagahasa sa isang domestic helper na nagpatulong sa POLO.
Ipinagpatuloy kahapon ang pagdinig sa isyu ng “sex-for-flight†scheme na nangyari sa Middle East kung saan nagkaharap ang mga biktima at opisyal ng POLO na inaakusahan ng pang-aabuso.
Si Casicas ang dating driver ni Philippine labor attaché to Saudi Arabia Adam Musa at naging empleyado ng POLO.
Sa unang pagdinig ay ibinunyag ni Grace Victoria Sales ang tangkang panghahalay sa kanya ni Casicas noong Marso 2012.
Ayon naman ay Musa hindi na nila alam ang kinaroroonan ni Casicas simula ng umalis ito sa Saudi Arabia.
Kinompronta naman ng ilang biktima ang mismong akusado na si Asst. Labor Attache Antonio Villafuerte.
Sa salaysay ni “Angelâ€, nagsimula ang kabastusan na ginawa sa kanya ni Villafuerte nang sinundo siya nito matapos tumakas mula sa kanyang amo.
Tinangka din umanong halayin ni Villafuerte si Michelle at isang domestic helper na itinago sa alyas na Analiza.
Itinanggi ni Villafuerte ang akusasyon sa kanya. Naghihiganti lang umano ang mga dating OFW dahil hindi nagustuhan ang kanyang serbisyo bilang opisyal at posible ring nasulsulan ng bumalik sa Pilipinas.
- Latest