MANILA, Philippines - Matapos ang ilang dekada, idineklara na kahapon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) na insurgency free ang lalawigan ng Cavite, Laguna at Batangas.
Ito’y matapos na lumagda sa Joint Letter Directive ang PNP at AFP na inilalagay na sa maayos ang peace and order sa nasabing mga lalawigan na nasasakupan ng Southern Tagalog.
Alinsunod sa Joint Letter Directive, ayon kay PNP Public Information Office Chief P/Sr. Supt. Reuben Theodore Sindac, pormal na isinasalin ng AFP sa PNP ang resÂponsibilidad sa nasabing mga lalawigan.
Sa tala, nasa 63 laÂlawigan sa bansa ang apektado ng communist insurgency kung saan napababa na ang bilang ng mga rebelde partikular na sa Batangas na ayon sa mga opisyal ay wala ng kapabilidad ang NPA rebels na maglunsad ng matitinÂding mga pagÂ-atake.
Sinabi naman ni AFP Southern Luzon Command Chief Lt. Gen. Caesar Ronnie Ordoyo na hindi na itinuturing na gaanong banta sa seguridad ang NPA rebels sa tatlong nabanggit na probinsiya kaya ang law enforcement operation laban sa mga ito ay kaya na ng PNP.
Base sa security assessment ng AFP nasa 40 na lamang ang armadong puwersa ng NPA sa nasabing mga lalawigan.
Idinagdag pa ng heÂneral na malaki ang naitulong ng Oplan Internal Peace Security Plan (IPSP) o Bayanihan ng AFP, pakikipagtulungan ng mga sibilyan sa militar at pinalakas na intelligence at combat operations upang mapababa ang bilang ng mga rebeldeng komunista.
Sa kabila nito ay hindi naman ipu-pullout ng AFP ang tropa ng mga sundalo sa nasabing lugar na mananatiling aalalay sa PNP at magkakaroon lamang ng ‘realignment of forces’.